Pusa,
di ko na maalala kelan to nagsimula
nagulat nalang ako at napaisip bigla,
bakit ganito bakit parang ang lala?
bakit kapag wala kay biglang natutulala?
parang langit na masarap tanawin
pero kahit tumalon ay di kayang abutin,
nahahawakan nga kita dun naman sa panaginip
kaya akoy natutulog ulit sa tuwing magigising.
sadyang mahirap ito para sakin
kasi di talaga pwede kahit aking pilitin,
tulad ng mais na ipinaris sa kanin
gayunpamay pagtingin sayuy di kayang tinagin.
gusto kita isama sa aking mundo
mga simpleng bagay dito ay bumubuo,
mga bulaklak, halaman, sanga at puno
pero alam kong di ka kahit kelan magiging interesado.
mabuti pang akoy kainin mo nalang
nang kahit papaano ikay mapaglingkuran
at makapasok ako sa iyong pagkatao
kahit alam kong ilalabas mo akong mabaho.
dahil ang pag-ibig ko sayuy sadyang di tama,
habang buhay akong di magiging masaya,
dahil nagmahal ako sa isang pusa...
at akoy isang ibon... na sayoy walang pag-asa.
- Ibon
ni Lawin-wing